<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3380506873406145925?origin\x3dhttp://cjei25.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
cjei25.blogspot.com ♥
Thursday, May 28, 2009

.may 26.

6MRDL met.actually,it's a small reunion lang naman.imagine!9 lang kaming dumating.10 pala.si kitz kasi nahiya raw.pero may kasama naman siyang ibang friends from our former high school.

sa SM city naga-foodcourt kami nagkita-kita.pumunta kami doon para kumain ng lunch together.enjoy naman ang jam namin.masalita kasi si racy kaya hindi naging boring.hehe.nagpapicture din kami.pinapagtabi nga sina kevin and may anne.haha.wawa man si kevind.jowk!naglakad-lakad din kami pagkatapos.umikot kami sa 2nd floor tapos bumaba sa 1st floor.pagkaikot sa 1st floor, tumaas ulit kami sa 2nd floor.pabalik-balik lang naman.si leonard nga panay ang pang-asar sa akin.everytime na may makitang anything na pang-baby tinuturo sa akin tapos gamitin ko raw.haha.kumanta pa nga sila ng 'bulilit, bulilit, sanay sa masikip'.tapos laging may kasunod na tawa.nakakahiya.ang lakas pa naman.baka nga pinagtatawanan na kami ng mga tao dun.

sa national book store ulit kami nagkita-kita nina kitz.pero paalis na kami nun.kinuha lang namin yung pictures sa photoline and umuwi na kami pagkatapos.kasabay ko si eric.naalala ko nga nung elementary, siya yung kasa-kasabay ko pag-uwi.nung palabas na kami, nakita ko ulit sina kitz.wala lang nag-bye lang naman ako.

sorry nga pala kay jerrald.sayang nung libre mo sa akin.haha.jowk lang!sorry kung hindi na tayo nagkasabay pauwi.kasama ko na kasi si eric,e.di naman yata tama kung basta ko lang sabihing mauna na siya kasi may iba akong kasabay.saka baka si abbyL. na ang kasabay mo pauwi.kaya ok na!hehe.

ANNOUNCEMENT:jun2 na ang alis ko papuntang laguna.stay there for good.hhe.siguradong mamimiss ko kayong lahat.di ko na kailangang isa-isahin pa.alam nyo naman siguro kung sino kayo.:)

ingat na lang ang lahat sa college.God bless us all!:D
Saturday, May 23, 2009

.MANILA.

grabe!!nakakapagod ang trip going to manila.imagine!14 and a half hours lang naman ang byahe.as in sobrang nakakahilo!!muntik na nga akong masuka,e.hha.but seriously,,nakakainis sa quirino highway..sobrang natraffic dahil sa kalsada nilang lubak-lubak.grrr!"kinukurakot kasi ng mga namamahala rito yung perang dapat pinapang-ayos nitong kalsada nila"that was what my dad said.[kasama ko siya kasi hindi pa ako marunong magtravel mag-isa..hm.i mean,going to manila.]i agree at what he said.sa tingin ko rin,ginagastos ng officials dun ang pera for their own sake.mga sakim!!hindi ba nila naisip kung gaano kahirap magtrabaho and then babawasan pa yung sweldo mo dahil sa tax yet mapupunta lang sa mga pangit nilang kamay.maawa naman sila!!

anyways,,nagstay nga pala kami ni papa sa boarding house ni ate sa marikina.the reason why we went manila is that we need to go to UP los banos,laguna.may5,medical exam ko and may12 yung registration day.wala kasi kaming matutuluyan kapag dumiretso kaming laguna.:)

.may 5.

medical exam na!!gosh!!sobrang dami na ng tao nung dumating kaming 7:05.nakapila sila sa kukuhanan ng med. permit.may advantage yung mga taga-laguna.:D grabe!1st day pa lang sa laguna,may nakita agad na cute!hha.joke lang.no time for that.pero titig nang titig kasi siya sa akin.ako naman,pana'y lingon na lang sa left side ko,where ate and dad stood up.sus!para lang maiwasan yung tingin niya.hha.may nakausap din naman akong freshmen din.siyempre yung malapit lang sa line ko.'kat' ang nickname niya.com.arts course niya kaya pala siya yung unang nag-hi.hhe.then may iba pa.taga-bicol din.actually, ang raming taga-bicol.pero mostly,taga-cam. norte.

"palitan mo na ang expression mo.siguradong marami nun dito"sabi ni ate, sabay tawa.expression ko kasi,"ay,bakla!"marami nga sila.hha.as in everywhere, anytime, nasasabi ko yung expressiong yun.matapilok,o kaya kahit may mahulog lang, yun ang bukang-bibig ko.since grade 5 pa yan, ang tanda ko.

bumalik lang ng naga si papa.may seminar kasi siya.si ate naman, may summer classes.[kasali yan sa course niya.wala lang.baka kasi isipin ng iba,mahina siya.ang tatalino nga ng mga kapatid ko.ako lang yata ang hindi pinalad.hha.]so, madalas akong naiiwan sa kwarto niya.so bored nga,e.hindi naman ako masyadong labas nang labas kasi hindi ko naman kabisado ang manila.pero hindi lang yun.medyo nahihiya rin ako sa kasama ko sa bahay.parents ng caretaker.lolo and lola.so,kwarto lang talaga ang bagsak ko.pero buti na lang, may nakakatext ako.hhe.

.may12.

reg. day!!morning,orsem namin.hapon ang registration.sa orsem, may cute na naman.nakagroup ko pa siya.hha.wala lang.mas cute kasi siya dun sa naunang cute.:D

at night,,umuwi na kami pabalik ng naga.kami,kasi kasama ko ulit si papa.bumalik siya ng manila nung may11.kailangan kasi siya for may12.so,ayun.ordinary bus lang sinakyan namin.hindi naman nakakahilo sa bus.medyo maginaw kasi gabi saka nakabukas yung mga bintana.kaso lang nangdilim yung mga mata ko sa katabi ko.as in!!nakakainis.super!!ibigay ba naman ang cellphone number niya sa akin.he's kinda old na.like 30-40 years old.eeeeeewwwww!!!!gggggggggrrrrrrrr!!!!!!!here's the story:

ang position,ako,isle,tpos siya.nung naalimpungatan ako mula sa pagtulog,,madilim na yung bus.siyempre kasi sleeping time na talaga yun.the man gave me something.i asked,"ano po 'to?".he said,"number."sabi ko naman,"number ng?"sabi niya,"cellphone."pero nakatulog ulit ako.hawak-hawak ko pala yung small paper.tapos nung nagstop yung bus, bumaba siya.sinabi ko kay papa yung nangyari.tulog kasi siya.ang kapal talaga to the max ng mokong na lalaking yun!hindi naman siya gwapo.matanda na.tapos ganun pa gagawin nya.sabi nga ni papa,baka raw sa sindikato yun.so, nilagay ni papa sa isle yung papel.sa floor.siyempre nakita yun ng lalaki nung umakyat siya.palihim niyang kinuha by stepping on it.tapos nung medyo maliwanag na,,tinapon niya yung papel papunta sa akin.hindi yun nakita ni papa kasi tulog ulit siya.[mahilig talagang matulog si papa sa byahe.hha]ako naman,kinuha yung papel saka tiningnan siya nang masama na parang mataray-look.hha.siyempre,napuno na ako.galit na talaga ako.tapos hinagis ko yung papel sa floor.hha.buti nga sa kanya.anong akala niya sa akin,ha?!kapal-kapal ng kamuks niya!kinuwento ko ulit yun kay papa.natawa lang si papa.hha.sa susunod na may gumawa pa sa akin nun,[ang kapal ko!hha.]hindi ko na palalagpasin.masusuntok ko talaga sa mukha niyang kaawa-awa.hha.nakakainis!!

pero sa totoo lang,natakot ako nang sobra.nangingiyak-ngiyak na nga ako,e.parang tuloy ayoko nang magtravel nang walang kasama.buti na lang talaga,i'm with my dad.and walang nangyari sa aming masama.thank heavens!:)

kaya kayo,,huwag basta-bastang makipagkilala o tumanggap ng kung ano[buti na lang,hindi ako nagpakilala,no?!].huwag niyo lang intindihin ang mga taong tulad nito.kulang lang yan sa pansin.pero kung hindi kayo tinigilan,,sapukin niyo ng bonggang-bongga.o kaya kung hindi niyo kaya,ipaalam mo sa kasama mo para magawan ng paraan.kung wala ka namang kasama,sa ibang taong mukhang mapagkakatiwalaan.saka laging magppray.:)