Thursday, February 26, 2009
.remembering what happened.
.grabe!i can't remember kung kailan yung huling post post ko dito.masyado kasi akong naging busy.syempre sa school,maraming ginagawa.4th year high school na kasi ako.maggagraduate na..hhu..siguradong mamimiss ko ang lahat ng taong nakilala ko sa high school.for 4 years,naging close friends na kami.mahirap yatang iwanan ang mga nakasanayan mo nang kasama.
ay!alam ko na kung kailan ang last post ko dito.it was on Feb.11.ok.the next day,ito na ang nangyari.bale,birthday ni rufo.he's my kuya in the school started 3rd year.wala lang.sabi niya lang.i just agree with him.hhe.so,i greeted him so many times.siya nga rin naman,eh.di pa nga bday ko,panay na ang sabi niyang,"happy birthday,cj!".actually,i did the same thing.feb.11 pa lang,panay na rin ang greet ko sa kanya.para talaga kaming magkapatid.hha.pareho kaming makulit,pasaway,and masaya.hhe.pero medyo sad ako kasi wala man lang akong gift sa kanya.hhu.(tama na yung pag-greet ko.OA na yun.parang ako lang naman yata ang gumawa nun,e.hhe.)
.feb.13.
friday the 13th.hhe.sabi raw malas daw ang araw na ito.pero alam niyo bang itong araw na ito ang pinakakaunti ang naaaksidente?yes.that's true.sabi rin ni kuya kim sa tv patrol world.hhe.dahil nga sa sinabing malas ang friday the 13th,maraming tao ang mga nag-iingat para makaiwas sa aksidente.o,di ba?
next,feb.14.
release of cards sa school namin.grabe!araw ng mga puso.pero kalbaryo naman sa iba.dahil siguro sa mabababang grades.well,not for me.most of my grades,got higher this time.tumaas din ang ranking ko sa class namin.from record na 8th(1st and 2nd quarter),i've gone up to 7th place.but i was sorry for my sister.1st year siya.usually,nasa top 5 siya sa buong batch.unfortunately,bumaba siya sa 9th place.most of her grades bumaba.but i hope she would strive harder to bring back her grades.go,sis!hhe.
let's jump to feb.20.
birthday kasi ito ng classmate ko.actually,she's my 3rd cousin.wala lang.she's so nice kasi to me that's why i mentioned her.hhe.tomorrow's js prom.nyikes!
feb.21.
as what i've said,tonight's the prom.wala lang.i'm just so excited na parang hindi.i don't know.basta.
pero nag-enjoy ako kaso parang sobrang bitin.yun din ang sabi ng iba.kaya lang wala na kaming magagawa.late nag-start and maxadong mahaba yung program.so,nagkulang na sa ball.sayang.masaya pa naman.and it was our last prom ever.hhu.something happened pala.yung naging prom queen 1st time niyang mag-attend ng prom.so,na-upset talaga siya.feeling ko napagtripan lang siya.too bad.hindi kasi siya yung tipong magsusuot talaga ng gown.parang napilitan dahil nga prom.ayun!nung nasa stage pa,pagkatapos magpapicture,parang nagdabog and tinanggal pa yung sash and crown.i respect her.siguro nga ayaw niya.pero sana man lang ginawa niya yun kung saan walang makakakita sa kanya.sobrang nagpakita yun ng kawalang modo o galang sa mga tao dun.pinagsabihan pa naman kami last thursday na be good kasi raw maganda ang impression sa school namin ng hotel na yun.hay,naku!talaga naman,o.patay tayo dyan.i really disliked the action she made that night.it's as if wala siyang pinag-aralan.bad girl.pangit ang ginawa niya.pangit.well,wala na tayong magagawa.nangyari na.past is past.hhe.
feb.23.
1st batch ng magfa-final defense sa research.
feb.24.
2nd batch.
feb.25.
3rd batch.and kasali ang group namin sa batch na ito.grabe!kinabahan talaga kami.sometimes we're thinking of what possible questions ang itothrow ng panelists sa amin.pero nung nasa physics lab na kami,we were just like reporting our research study in the usual manner.wala namang iba.simple lang naman yung questions na binato sa amin.they also gave comments,good and bad.at first,pinuri yung study namin but at the later part they told us na we lack data and there were some corrections made on our papers.but it was alright.we have still enough time to do whatever we were told to do so.after that,parang gumaan yung dinadala namin sa loob.hhe.we were still happy and thankful na tapos na and defense.:p
.whoo.and hirap palang mag-recall ng happenings in the past few days.and maybe i have forgotten some parts.some important facts that i should have told you.well,that's life.hhe.
Wednesday, February 11, 2009
.tuesdAy.
.hay,naku!napagalitan kami kanina ng ma'am namin sa filipino.sabi raw kasi ng class president namin,hindi raw papasok si ma'am.tapusin daw yung pinapagawang letters.tapos huwag daw labas nang labas ng classroom.well,everytime talagang walang teacher,classmates ko laging maiingay sa labas ng room.ayun!pumunta si ma'am tapos pinagsabihan kami kung gaano kahirap maging teacher.maraming ginagawa.actually,katatapos lang naming mag-discuss about teachers.pero heto kami,hindi namin pinapahalagahan ang bawat pagsisikap at pagod nila.sa totoo lang,dapat talaga akong maawa kay ma'am,e.kaso mas nangingibabaw yung bilib ko sa kanya.akalain mo ba namang makaya niya yung lahat ng ginagawa niya araw-araw.busy daw ang mga teachers ngayon dahil inaasikaso yung sa NAT(national achievement test).tapos from wednesday to friday,lagi raw siyang umuuwi ng 6pm.may tutor pa yata si ma'am pagdating ng gabi.grabe!whoa!ngayon ko lang talaga nakitang pasaway kami.i mean,pasaway talaga kami.pero ibang level na ito.para bang lumalagpas na kami sa dapat naming paglagyan.bad talaga kami.grr!
.nawala yung white tshirt ko.kailangan pa naman ng kapatid ko.pinagalitan nga ako ni mama kasi raw hindi ko alam kung saan ko nilagay.ang alam ko,ginamit ko yung shirt na yun,para sa english presentation namin.binilhan nga ako para lang dun.tapos nawala ko pa.ngayon,hindi na mahanap.lagot ako.
>value the things that surround you.mapa-bagay man yan o mapa-tao.hindi natin alam kung hanggang kailan ito maglalast.kailangan din nating i-consider ang fact na hindi lang tayo ang nabubuhay sa mundo kundi may iba pang makatutulong sa atin para maging mabuti tayong tao.
Tuesday, February 10, 2009
.it's my 1st again.
it's my first time again to post in my blog.but this is my 3rd time making a blog.i just don't know what happened to my previous blogs.so in replace,i just made another one. c:
ok..let me start with this.whoa.nosebleed.ang hirap mag-english.mas sanay ako sa taglish.in this manner, i can express my ideas more clearly.
this day was another ordinary day.as usual,late ako kaninang umaga at nag-list na naman ako sa guard.grabe!hindi ko alam kung ilan na late ko pero i hope na hindi ako masuspinde sa klase.pagkarating ko pa naman ng room,lahat busy sa paggawa ng kung ano.then i remembered,may assignment pala kami sa anageom.noong friday, may pina-copy pero hindi ko natapos.and that afternoon, may interview ako sa isang university for scholarship.so, nakalimutan ko na yun.buti na lang talaga medyo gets ko yung lesson.sinolve ko yun sa notebook pero dapat talaga sa tablet paper ilagay.nagpa-late na lang akong mag-pass at sinabi ko kay ma'am na nire-write ko pa kaya late. c: thank heavens!ang bait talaga ni ma'am at kinuha niya pa rin yung paper ko.naka-smile pa nga,e. c:
math time naman,may short activity.then after that,nag-blowout yung student teacher namin kasi birthday niya nung saturday.bonga nga,e!galing pang-daet ang food na binigay niya.over sa sarap!as in!ang iba nga sinamantala ang pagkawala ng mga CAT,excused for fancy drill sa iriga,at mga absent.inubos nila yung tira.nakatatlo yata sila.dapat tig-iisa lang.ang daya talaga!ako tuloy....;p
english,nag-group recitation ulit.kaso lang wala yung best speaker namin.pero ok din lang ang score namin. c:
sa ap,reporting.akala ko magiging boring.hindi naman pala.gets ko kasi yung lesson. c;
filipino time,we were about to make letters or just notes for the teachers na nakatulong talaga sa amin sa high school.ginawa namin ito hindi dahil required kundi graduating na rin kami so, it's the right time to say anything we want to say to our teachers,this year or even yung previous years pa.nakakaiyak nga,e.
mapeh period,wala si sir.in-occupy ko na lang yung time for making reflection paper sa tle about our previous project,slot machine.itong reflection paper na ito,project for our class because we weren't told na blog na pala ang project.but the other sections daw,nasabihan.
may story akong hindi ko masimulan dahil sa maraming ginagawa.but i had the time kanina kasi nung pagkauwi ko sa bahay,wala pa yung kapatid ko.may meeting daw sila at nasa kanya yung susi ng bahay.since medyo maaraw pa, nag-start na akong magbasa.tama nga yung classmates ko.maganda nga.grabe.simula palang,mukhang exciting na. c:
until here na lang.ok.see you. c: